Lakbay Sanaysay: “LANTAW PALOMPON”
Simula pa nong bata pa ako pangarap ko talagang malibot ang buong mundo upang makita ang magagandang tanawin na nilikha ng ating diyos. At ang nais kong unang puntahan ay ang NATURE PARK PALOMPON . Dahil gusto ko talaga pumunta sa lugar na yan. December 24, 2019 , naglakbay kami ng ate ko mula dito sa tirahan namin patungong lantaw, sumakay kami ng van galing galing Matag-ob to Palompon, mga isang (1) oras bago namin narating yong Palompon. At pagkatapos namin bumaba ng van ay sumakay nanaman kami ng motorcycle patungong lantaw.
Para marating mo ang LANTAW may dalawang daanan ito ang shortcut " MONKEY TRAIL" only 75 steps up, at yung nonshortcut "FIT SENIOR" 500 steps up so sa monkey trail kami dumaan dahil excited na talaga kami . Sa monkey trail medyo challenging yong daanan pero may lubid ito para may mahawakan ka . 75 steps ang sa monkey trail , sa mga 30+ steps palang ay may waiting shed ito para pahingahan sakaling ika'y mapagod.
At dito sa gate bago ka makapasok sa kalooban ng lantaw ay kailangan mo munang magbayad ng Intrance worth of 15 pesos each. At may paninda ito sa kabila na mg drinks at snacks and more para sa nagugutom.
Kung saan natungtung narin yung tinatawag nilang lantaw at kung saan may mga signages na nagsisilbing direction para makita ang mga lugar na nabanggit, tulad ng Kalanggaman , Cebu city , Camotes sea , Gumalac , Tabuc , Cabgan yang mga lugar nayan ay makikita ito sa Lantaw.
At makikita mo rin ang kabuoan ng Palompon at ito'y napakaganda kaya pala maraming turista ang dumadayo sa lugar na ito. At sa kabilang banda ay may makikita kang TELESCOPE (BAMBOO TUBE) na kung saan makikita mo ang tinatawag na BUGA-BUGA HILLS na matatagpuan sa Villaba Leyte.
Sa tuwing hapon ka pupunta ay masaksihan mo ang ganda ng sunset na syang dahilan upang mapaganda lalo ang view. At tuwing gabi ay mas lalong gumaganda sapagkat may mga ilaw na ito na siyang nagsilbing liwanag ag nagpapaganda lalo.
—JOEY R. VILLOTES
X1 HUMSS LOPEZ JAENA
—FILIPINO SA PILING LARANGAN